Posted May 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral ngayong
pagbubukas ng klase ang siyang pangunahing agenda ng mga kapulisan sa probinsya
ng Aklan.
Ayon kay Public Information Officer P03 Nida Gregas, nailatag
na umano ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang kanilang “Balik
Eskwela 2015” para matututukan ang mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayong
Hunyo 1.
Maliban dito nakatutok din umano sila sa peace and
order sa mga business area kung saan maglalagay din sila ng assistance desks at
mobile patrols malapit sa mga paaralan.
Kaugnay nito mamimigay din ng mga crime prevention
tips ang mga kapulisan sa mga magulang at estudyante ngayong opening ng klase.
Samantala, may deriktiba rin ang mga kapulisan mula
sa kanilang higher headquarters para maiwasan ang bullying sa mga paaralan.
No comments:
Post a Comment