Posted May 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng “audit” ang Provincial
Tourism Office ng Aklan sa mga tourism sites sa probinsya.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Roselle Ruiz, marami
umano sa ibat-ibang bayan sa Aklan ang dini-develop ang kanilang kasalukuyan at
may potential na tourist attractions.
Sinabi nito na gusto umano nilang palawakin ang mga
benipisyo ng turismo sa iba pang mga lugar sa probinsya ng Aklan para
mai-promote.
Gusto din umano nilang malaman kung saan sa mga ito ang
may potensyal na atraksyon na maaaring mai-promote sa labas ng probinsya sa
buong mundo.
Nabatid na ang audit ay binubuo naman ng mga grupo mula
sa Department of Tourism, Aklan Tourism Officers Association, media, marketing
personalities at iba pa.
Samantala, kabilang sa may mga potential attractions sa
ibang bayan sa Aklan ay ang mga naggagandang falls, rivers, farm mga bundok,
historic place, plaza at mga sikat na Piña Weaving.
No comments:
Post a Comment