Pages

Saturday, May 23, 2015

MRT meeting ng APEC sa Boracay, pormal nang nagbukas ngayong araw

Posted May 23, 2015
Ni Bert Dalida/Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Tapos na kahapon ang SOM2 o Second Senior Officials Meeting ng APEC.

Kasunod nito, pormal na ring binuksan kanina ang opening session ng MRT o Ministers Responsible for Trade Meeting na isinagawa sa Sagana Ballroom, Shangri-La.

Ang MRT ang siyang itinuturing na pinakamahalagang pagpupulong sa mga events ng APEC meetings sa taong ito.

Dito kasi tinutukan ng mga delegado lalo na ng APEC Business Advisory Council ang tungkol sa multilateral trading system, regional economic integration at ang partisipasyon ng MSME o Micro, Small and Medium Enterprises sa regional at global markets.

Kaugnay nito ngayong ala-sais naman ng gabi magaganap ang welcome dinner ng mga delegado na gaganapin rin sa Shangri-La Boracay.

Ayon naman kay Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa isa umano at kalahating araw na MRT bukas ay ilang serye ang magaganap na meeting kasama na ang ilang social functions.

Nabatid na ang MRT ay nakatuon sa tatlong main areas kung saan ito ay ang pagsuporta sa multilateral trading system, regional economic integration na kadugtong ng agenda sa APEC at ang fostering MSMEs’ participation sa regional at global markets kung saan ito ang proyoridad ng Pilipinas.

Samantala, bukas na rin magtatapos ang Asia Pacific Economic Cooperation (ASEAN) sa Boracay na ginanap sa loob ng dalawang linggo.

No comments:

Post a Comment