Posted May 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Nakilala ang bagong Reyna Elena na si Binibing Sofia Pasag
na siyang pambato ng LGU Malay na siya ring nakakuha ng Best Dressed Reyna.
Nakuha naman ng Henann Group of Resorts ang Best Floral
Arc at Best Escort, at 1st Runner up, habang 2nd Festival
Queen ang Jony’s Beach Resort.
Samantala, sinabi naman ni BFI o Boracay Foundation
Incorporated Board Member Nenette Graf na nais nilang gawin kada taon ang Grand
Boracay Flores de Mayo Festival para sa mga susunod pang henerasyon.
Nabatid na nasa ikatlong taon na ngayon ang nasabing
aktibidad kung saan tampok ang Santacrusan, na siya namang iniingatang
tradisyong Filipino.
Ginanap ang Grand Boracay Flores de Mayo nitong Sabado tampok
ang mga naggagandahang kalahok mula sa iba’t-ibang resort na pumarada mula sa
Holy Rosary Parish Boracay sa Station 2 Beach Front ng Boracay Regency.
No comments:
Post a Comment