Posted May 27,
2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umarangkada na kahapon ang dalawang araw na
‘Balik-Eskwela Diskwento Sale’ ng Department of Trade and Industry (DTI)-Aklan.
Ito’y para tulungan ang mga mamimili na makatipid sa
pagbili ng gamit sa eskwela ngayong nalalapit na pasukan kasama na ang ilang
household items.
Nabatid na ang dalawang araw na Diskwento Sale ay ginanap
sa Provincial Trade Hall, Capitol Grounds sa Kalibo, Aklan na nag-umpisa
kahapon at magtatapos naman ngayong araw ng
Martes.
Samantala kabilang sa mga discounted school supplies ng
DTI ay ang notebooks, lapis, krayola, bag kasama na ang mga uniforme sapatos at
prime commodities.
Layunin naman ng Diskwento Sale ng DTI sa
pakikipagtulungan sa provincial government ng Aklan ay para makapag-bigay daan
sa marginal consumers, estudyante at sa kanilang pamilya na makapag-avail ng
mga nasabing diskwento.
No comments:
Post a Comment