Posted May 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumailalim ngayong araw ng Lunes sa Brigada Eskwela ang
mga security forces ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Second
Senior Officials’ Meeting sa mainland at Boracay.
Ito’y dahil sa nagtapos na kahapon ang dalawang linggong
meeting kung saan ginamit ng mga security forces ng Site Task Group (STG) ang
ilang paaralan sa mainland Malay at Boracay bilang billeting areas.
Ayon naman kay STG Boracay APEC 2015 Spokesperson P/Insp.
Shella Mae Sangrines, ito umanong ginawa nilang Brigada Eskwela ay paraan ng
kanilang pasasalamat sa mga school principal at local government unit ng Malay
sa naging akumodasyon ng mga security forces.
Nabatid na inayos ng mga kapulisan ang mga sira-sirang
upaan sa kanilang naging billeting areas kasama na rito ang pagpintura sa mga
silid-aralan.
Napag-alaman na mayroong mahigit 3,700 police personnel
mula sa Police Regional Office (PRO)-6 ang naka-deploy sa mainland Malay at
Boracay para paigtingin ang seguridad ng kakatapos na APEC meetings.
Samantala, katuwang ng ginawang Brigada Eskwela ng
security forces ay ang Department of Education (DepEd) at LGU Malay.
No comments:
Post a Comment