Pages

Thursday, May 14, 2015

APEC Ministerial meeting sa Boracay, sinabotahe nga ba?

Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

“Ipapakansela ang biyahe ng mga bangka”.

“Walang biyahe papuntang Barangay Yapak ang mga trisekel”.

Ito ang mga kumalat na espekulasyon ngayon sa isla ng Boracay na nagdulot ng kalituhan lalo na sa mga turista sa isla.

Kaugnay nito, napapaisip tuloy ang publiko kung sinasabotahe nga ba ang APEC Ministerial meeting sa Boracay.

Dahil dito, minarapat ng aming himpilan na makipag-ugnayan sa BLTMPC o Boracay Land Transport Multi-purpose Cooperative tungkol sa nasabing impormasyon.

Ayon sa isa mga BLTMPC Board of Directors na si Felimon Abayon, wala umano silang natatanggap na abiso mula sa LGU Malay tungkol sa anumang pagpapahinto o kanselasyon ng biyahe ng kanilang trisekel.

Samantala, base naman sa aming nakalap na impormasyon, isang grupo ang sinasabing nagpapakalat ng mga nasabing impormasyon bilang pagsabotahe sa nagaganap na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation Ministerial meeting sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment