Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Hindi na makontak ang cell phone number at hindi pa
natatapos ang binayarang island activities.
Ito ang nagtulak sa anim na turista sa Boracay kahapon na
magreklamo sa estasyon ng pulis laban sa isang komisyoner.
Sumbong ng mga turista na pawang mga taga Quezon City, tinakasan
umano sila ng komisyoner dala ang P6, 800.00 mula sa kabuuang P11, 400.00 na bayad
sa mga activities nilang kinuha.
Nabatid na kahapon ng umaga nang inalok sila ng komisyoner
na si ‘Greg’ ng island activities katulad ng ‘Banana boat ride, ATV, at Fly
fish.
Subali’t naglaho umano na parang bula ang komisyoner
pagkatapos nilang mag-banana boat.
Out of coverage network na rin umano ang cell phone number
nito, kung kaya’t minarapat na lamang nilang magsumbong sa mga kapulisan.
Samantala, kaagad namang inimbistigahan ng Boracay PNP ang
sumbong ng mga turista.
No comments:
Post a Comment