Posted April 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na ang inaabangang taunang Aklan Piña and Fiber
Festival 2015 na gaganapin sa bayan ng Kalibo sa nasabing probinsya.
Ito ay magsisimula bukas araw ng Miyerkules at magtatapos
naman sa Linggo Abril 26 sa Trade Hall Capitol grounds sa Kalibo.
Tampok dito ang mga produktong Aklanon tulad ng mga
barong at Filifiniana gown na gawa sa fiña at mga indigenous fibers.
Ibibida rin dito ng mga bayan sa Aklan ang kanilang
sariling produkto katulad ng ibat-ibang luto ng pagkain, poultry products,
abaka, prutas at mga gulay.
Kaugnay nito gabi-gabi rin ang gaganaping kasiyahan sa
Capitol grounds kung saan ilang banda at palabas ang masasaksihan kasabay ng inaabangang
kainan sa kalye tampok ang masasarap na lutong Aklanon.
Samantala katuwang ng nasabing programa ang Provincial
Government ng Aklan, Department of Trade and Industry, Hugod Aklan Producers
Association Inc. at iba pang public sector sa probinsya.
Ang Piña and Fiber Festival ay kasabay sa ipinagdiriwang
na Aklan Day ng probinsya na ginaganap tuwing ika-apat na linggo sa buwan ng
Abril.
No comments:
Post a Comment