Posted April 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang pamunuan ng Department of Agriculture
(DA) na inatasan sila ng MalacaƱang na maghanda para labanan ang magiging epekto
ng tag-init.
Ayon kay DA Aklan Head William Castillo, partikular umanong pinapabantayan sa kanila ang mga agricultural products sa Pilipinas.
Anya, sa ngayon ay nagsisimula nang magbigay ng
tulong sa mga magsasaka na apektado ng tag-init ang pamahalaan para hindi
maging matindi ang epektong idudulot nito.
Samantala, masaya naman nitong ibinalita na sa
kasalukuyan ay walang masyadong naaapektuhang agrikultura sa probinsya ng
Aklan.
Dagdag pa ni Castillo, nakikipag-ugnayan na rin ang
DA at National Irrigation Administration (NIA) upang tutukan ang epekto ng
tag-init sa bansa.
No comments:
Post a Comment