Pages

Monday, April 06, 2015

Paggunita ng Semana Santa sa Boracay, generally peaceful ayon sa BTAC

Posted April 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Generally peaceful umano ang kabuuang paggunita ng Semana Santa sa isla ng Boracay nitong nakaraang linggo.

Ayon kay OIC Boracay PNP PSInspector Frensy Andrade, zero negative index umano sila nitong Holy week kung saan wala din umano silang naitalang malalaking insidente sa isla lalo na ang mga nakawan.

Sinabi pa nito na may mga petty crimes silang nai-record bagamat normal lamang umano itong nangyayari sa isla ng Boracay.

Aniya oll-out ang kanilang suporta sa inilunsad na SUMVAC o Summer Vacation ng Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa seguridad ng mga nagbabakasyon ngayong tag-init.

Dahil dito naglagay umano sila ng mga Tourist Assistance Desk sa tatlong station sa Boracay para mapabilis ang pag-respondi at mapaigting ang seguridad sa beach area ng isla.

Samantala sa tulong ng ibang otoridad sa Boracay mabilis na napaalalahanan ang mga turista na mag-ingat sa mga kahina-hinalang tao sa kanilang paligid kasama na ang hindi pag-iwan ng kanilang mga mamahaling gamit sa beach area sa tuwing sila ay maliligo sa dagat.

No comments:

Post a Comment