Posted April 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi inakala ng isang lalaki ng magigising nalang siya
na wala na ang kanyang mga mamahaling gamit at pera.
Sa blotter report ng Boracay PNP nakilala ang biktimang
si Marlon Gersbach, 33-anyos at pansamantalang nakatira sa isang apartment sa
Sitio. Bolabog, Balabag, Malay, Aklan.
Nabatid na nagising na lang umano ang biktima na bahagyang
nakabukas ang kanyang pintuan sa inuupahang kwarto.
Dahil dito agad niyang sinuri ang kanyang mga gamit kung
saan dito niya nadiskobrehan na nawawala na ang kanyang Macbook pro laptop,
mamahaling cellphone kasama ang charger, back pack na naglalaman ng 1500 Euro,
P10, 000., German passport at Philippine passport, travel document, airline
ticket, birth certificate at ilan pang importanteng dokumento.
Salaysay ng biktima sa mga pulis natulog umano siya
bandang alas-12:45 ng madaling araw kanina kung saan iniwan umano nitong
naka-charge ang kanyang cellphone at loptop sa gilid ng kanyang tinutulugan.
Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon ng
Boracay PNP Station hinggil sa nangyaring insidente.
No comments:
Post a Comment