Pages

Tuesday, April 14, 2015

OPARR iimbestigahan ang umano’y mga iregularidad sa Yolanda shelter aid sa Aklan

Posted April 13, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for office of Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) logoNakatakda ngayong imbestigahan ng Office on Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa Aklan ang umano’y mga iregularidad sa Yolanda shelter aid.

Ayon kay OPARR-Aklan legal consultant Atty. Benny Salazar, hiniling din umano nila sa National Bureau of Investigation (NBI) na magkaroon ng parallel investigation tungkol dito.

Anya, umaapela din sila sa publiko na e-report sa kanilang tanggapan ang umano’y mga nakikitang problema kaugnay ng pagbibigay ng shelter aid sa mga barangay.

Nabatid na napakarami na ring reklamo ang nagsilabasan sa mga pahayagan at radyo sa Aklan tungkol sa pagbibigay ng nasabing assistance.

Samantala, sinabi pa ni Salazar na iimbestigahan din nila kung natatanggap ng buo ang 30, 000 pesos at 10, 000 pesos ng mga nabiktima ng bagyong Yolanda mula sa gobyerno.

Nagbabala din ito sa mga opisyal na nagmamanipula sa pagbibigay ng nasabing assistance.

No comments:

Post a Comment