Posted April 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma kanina ni Boracay Island
Administrator Glenn Sacapaño sa ginanap na Joint Flag Raising ng Boracay Action
Group sa station 2.
Ayon kay Sacapaño, sisimulang linisin ang mga lumot
sa susunod na Lunes na pangungunahan ng BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team.
Samantala, kaugnay nito, inanyayahan naman ni
Sacapaño ang mga nais mag-volunteer mula sa grupo ng BAG sa paglilinis ng mga
lumot sa itinakdang araw.
Aminado naman ang administrador na marami pa ring
mga turista sa isla ang hindi nakakaalam tungkol sa presensya ng lumot sa beach
front.
Magugunitang paulit-ulit na ring umani ng pagpuna
at opinyon mula sa mga turista ang lumot na pinaniniwalaan din ng mga lokal na
residente sa Boracay na siyang nakapagpapaputi ng buhangin nito.
No comments:
Post a Comment