Posted April 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaasahang hindi makakaranas ng gutom ang probinsya ng
Aklan.
Ito’y matapos tiniyak ng National Food Authority (NFA) Aklan
na hindi kukulangin ang probinsya sa supply ng bigas.
Ayon kay NFA Aklan Provincial Manager Martina Lodero, wala
umanong dapat ikabahala ang publiko sa lalawigan sapagkat may sapat na suplay
ng palay ang probinsya sa mga government warehouse, households, retailers,
millers at wholesalers.
Samantala, sinabi rin nito na inaasahan din umano nila ngayon
ang pagkakaroon ng kaliwa’t kanang harvest ng mga magsasaka habang papalapit
ang harvest season lalo na sa mga bayan sa Western side ng Aklan.
Ipinabatid rin nito sa mga buying stations kung saan
nahihirapan mag-deliver ng palay na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para
matulungan.
Samantala, kasalukuyan naman umanong mabibili ang mga NFA
rice sa halagang mahigit kumulang labing walong piso kada kilo.
Itinuturing ang Aklan na isa sa mga probinsyang may mataas na
presyo sa palay dahil sa magandang kalidad na isinusuplay ng mga magsasaka.
No comments:
Post a Comment