Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka-deploy na ang mga pulis ng Aklan Provincial Police
Office (APPO) sa Bacolod City para sa gaganaping Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) ministerial meeting ngayong Miyerkules.
Ayon kay acting police provincial director Senior
Superintendent Iver Apellido, 78 umanong mga pulis mula sa APPO ang sumama sa
security force ng Bacolod City Police Office (BCPO) at ng Police Regional
Office-6.
Nabatid na ang APEC delegates mula sa 21 miyembrong bansa
ay inaasahang dadalo sa Disaster Risk Finance-APEC Roadmap for Resilient
Economies sa SMX Convention Center sa Bacolod ngayong Abril 29 at 30.
Sinabi pa ni Appelido na walong patrol cars mula sa Aklan
ang kasama sa paghahanda ng APEC meeting sa Bacolod City.
Samantala, ngayong buwan naman ng May ay ang isla ng
Boracay ang siyang hahawak sa dalawang ministerial meetings para sa APEC
delegates.
No comments:
Post a Comment