Pages

Wednesday, April 22, 2015

Malay MDRRMO muling nag-kampeon sa Governor Florencio Miraflores Rescue Olympics 2015

Posted April 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling itinanghal na over-all champion ang MDRRMO Malay sa ginanap na 2nd Governor Florencio Miraflores Rescue Olympics 2015 sa Calangcang Sports Complex kahapon.

Ayon kay Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay, ito umano ang ikalawang panalo nila matapos ring itinanghal noong nakaraang taon.

labing-isang bayan umano sa Aklan ang nag laban-laban sa nasabing patimpalak na kinabibilangan ng Kalibo MDRRMO na itinanghal bilang 1st runner-up at Best in Fire Fighting award habang ang Balete MDRRMO ang nanalong 2nd runner-up.

Ilan pa sa mga sumali sa challenge ng rescue olympics ay ang bayan ng Malinao, Libacao, Nabas, Batan, Makato, Lezo, Tangalan at Ibajay.

Sinabi naman ni Ong na siyam na award ang kanilang nakuha na kinabibilangan ng Best in vehicular extrication, Best in Basic Life Support, Best in Uniform, Best in Display of Rescue Equipment, Best in First Aid Scenario, Best in Mass Casualty Scenario, Best in Water Search and Rescue at Best Swimmer.

Samantala, ang MDRRMO-Malay ay kinabibilangan ng Municipal Disaster Risk Response Team, Municipal Auxiliary Police at Lifeguard Boracay.

Nabatid na ang isang araw na rescue Olympics ay inorganisa ng Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa ilalim ng pamamahala ng Office of the Governor. 

No comments:

Post a Comment