Posted April 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay na ng matagpuan ang isang binatilyong naliligo sa
dagat sa brgy. Jawili sa bayan ng Tangalan, Aklan nitong ala-ona ng hapon.
Ito mismo ang kinumpirma ng ama ng biktima na kinilalang
si Jeneses Tiaga, 20-anyos ng Makato, Aklan.
Nabatid sa report na naliligo umano sa dagat ang nasabing
biktima habang kasama pa ang ilang kalalakihan nang bigla itong tangayin ng
malakas na alon dala ng high tide.
Halos inabot naman ng tatlong oras bago matagpuan ang
bangkay ng biktima sa mismo ring lugar bandang alas-3:47 ng hapon sa tulong na rin ng
mga rumesponding otoridad at sa pangunguna ng Makato PNP Station.
Samantala, puno naman ng hinagpis ang nararamdaman ngayon ng magulang
ng biktima dahil sa nangyari sa kanilang anak na ngayon ay nasa pangangalaga pa
ng isang punerarya.
No comments:
Post a Comment