Pages

Wednesday, March 18, 2015

Yellow Submarine ready to operate na sa isla ng Boracay

Posted March 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaprobahan na ngayon ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang pag-operate ng Yellow Submarine sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos ang ginawang mahaba-habang pag-aaral dito ng konseho kasama na ang pag-suri sa area kung saan ilalagay ang nasabing Submarino.

Nabatid na nakapagbigay ng kaukulang dokumento ang operator ng nasabing Submarine base na rin sa hinihiling ni SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero.

Bagamat wala pang ensaktong petsa kung kaylan magsisimula ang operasyon nito nakahanda naman itong dalhin sa Boracay mula sa Cebu kung saan ito naunang nag-operate.

Nabatid na bubuksan ito sa mga turista bilang dagdag atrakasyon sa turismo ng isla ng Boracay.

Samantala, nilinaw naman ng Konseho na hindi ito makaka-apekto sa magagandang korales ng Boracay dahil isa rin umano itong environmental friendly.

Nabatid na mamamalagi lamang ito sa isang area base na rin sa napagkasunduan ng may-ari at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

No comments:

Post a Comment