Pages

Wednesday, March 18, 2015

Kaso ng binaril na koreano sa Boracay, pinag-aaralan pa ni Andrade

Posted March 17, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for shooting investigationPinag-aaralan pa umano sa ngayon ng BTAC ang susunod na hakbang sa paglutas ng kaso ng koreanong binaril sa Boracay nitong nakaraang taon.

Ayon kay BTAC OIC Police S/Insp. Frensy Andrade, inaantay pa nya ang iba pang report mula kay Deputy Chief Police S/Insp. Fidel Gentallan para sa pagresolba sa kaso.

Samantala, una namang sinabi ng BTAC na mayroon na umano silang iniimbestigahang suspek sa kaso subalit hindi pa ito masasabi sa ngayon dahil sa mabusisi ang kanilang isinasagawang proseso.

Samantala, nabatid na naglaan naman ng 50 mil pesos na pabuya ang Korean Community Association sa sinumang makapagturo sa suspek na bumaril sa kanilang kasamahan.

Magugunitang naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo Lee, nang sundan di umano ito ng dalawang hindi nakilalang pinoy at binaril.

No comments:

Post a Comment