Posted March 27, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ikinatuwa ng LGU Malay ang suporta ng NGO o
Non-government Organization sa programa tungkol sa waste segregation.
Ayon kay Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, dapat talagang
bigyang-pansin ang problema tungkol sa dumaraming basura sa isla ng Boracay.
Subali’t masaya umano siya dahil tumutulong na ang mga
NGO’s sa isla upang masulusyunan ito.
Samantala, nabatid na sampung NGO’s ang lumahok kahapon
sa Trash Can Fun Theory Contest na inorganisa ng Boracay New Coast, Amity Lions
Club, sa pakikipagtulungan na rin ng LGU Malay.
Layunin umano nito na mahikayat ang lahat na makibahagi
tungkol sa proper waste segregation.
Isa sa mga lumahok sa nasabing paligsahan ang Yes FM 911
Boracay na naglalayong makatulong sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol
sa basura.
No comments:
Post a Comment