Pages

Friday, March 27, 2015

Public Hearing sa Public-Private Partnership Code ng Aklan, naging matagumpay

Posted March 26, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang isinagawang public hearing kaugnay ng pagsusulong ng Public-Private Partnership (PPP) Code sa probinsya ng Aklan kaninang umaga.

Ito’y sa kabila ng iba’t-ibang nga katanungan, opinyon at suhestiyon mula sa mga pampubliko at pribadong sektor sa lalawigan.

Sa pagsisimula ng nasabing pagpupulong, binasa ni Aklan Vice Governor at Presiding Officer Gabrielle Calizo- Quimpo ang nilalaman ng nasabing ordinansa at mga panuntunan ng PPP Code.

Ilan lamang sa mga binanggit nito ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at negosyante sa iba’t-ibang programa at proyekto para sa probinsya.

Muli din nitong iginiit ang magkaroon ng maunlad na ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng mga pribadong sektor.

Samantala, matapos ang isinagawang public hearing, nakatakda naman ito ngayong pag-usapan sa susunod na SP Regular Session.

Ang PPP ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng gobyerno at mga pribadong sektor.

No comments:

Post a Comment