Pages

Thursday, March 19, 2015

Kriminalidad dulot ng mga construction workers sa Boracay, ikinabahala ng kapulisan

Posted March 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp stationPagnanakaw, pambubugbog at alarming scandal.

Ilan lamang ito sa mga kasong kagagawan umano ng mga construction workers sa isla ng Boracay na madalas maging sakit sa ulo ng mga kapulisan.

Subali’t mas nakakabahala dito ang kasong pagpatay nitong Linggo, kung saan itinuturong suspek ang isang construction worker.

Bagay na tinututukan ngayon ng Boracay PNP, katunayan, sinabi ni Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade na makikipagdayalogo siya sa mga contractors and builders sa isla.

Bagama’t aminado si Andrade na hindi naman talaga maaaring pagbawalang lumabas ang mga construction workers.

Sinabi nito na kailangang may polisiya ang mga contractors at builders para sa kanilang mga trabahador, lalo na sa mga lumalabas sa kanilang barracks sa gabi at nakikipag-inuman na kadalasang nauuwi sa kriminalidad.

Samantala, payo naman ni Andrade sa mga construction workers na itabi ang kanilang kita para sa kanilang pamilya sa halip na ubusin lamang sa alak.

Nabatid na hindi lamang sa mga nabanggit na kriminalidad nagiging sakit sa ulo ng mga otoridad ang mga naturang trabahador kungdi maging sa paglabag sa mga odinansa sa isla katulad ng pag-ihi sa dagat, paninigarilyo at pagtapon ng upos nito sa dalampasigan.

No comments:

Post a Comment