Posted March 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ginisa sa Sangguniang Bayan ng Malay si Interim General
Manager Rei Bernardo ng Malay Water District dahil sa problema sa tubig ng Sitio.
Tabon Bukid sa Brgy. Caticlan.
Sa ika-11th SB Session ng Malay nitong Martes,
inimbitahan si Bernardo para ipaliwanag sa kanila ang kawalan ng tubig sa
nasabing lugar na matagal nang problema ng mga residente rito.
Ayon kay Bernardo may mga problema umano sa linya ng
tubig at sa mismong pinagmumulan nito kung kayat hindi sila nakakapagbigay ng tubig
sa mataas na area ng Tabon Bukid.
Magkaganun paman patuloy umano ang kanilang ginagawang hakbang
para maibalik sa normal ang pagsuplay ng tubig sa nasabing lugar.
Dahil dito tila naiinip na ang konseho sa mabagal na
aksyon ng Malay Water District sa malaking dagok na dumaranas ng mga residente
sa lugar.
Samantala, nais ngayon ng SB Malay na makipag-ugnayan si
Bernardo sa Boracay Island Water Company (BIWC) para pansamantalang mabigyan ng
tubig ang Tabon Bukid habang inaayos pa ang problema.
Nabatid na handang magbigay ng suplay ng tubig ang BIWC
ngunit inaantay pa rito ang pag-aproba ng Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority (TIEZA) kung saan konektado ang kanilang kumpanya.
Sa ngayon minamadali na ng Sangguniang Bayan ng Malay na
mabigyan agad ng tubig ang Tabon dahil sa papalapit na Summer.
Lalo pa’t marami na rin umanong residente ang
nagkakasakit dahil sa kawalan ng tubig na kung saan nais pa ng iba na mawalan
ng pagkain kaysa mawalan ng tubig.
No comments:
Post a Comment