Pages

Thursday, February 05, 2015

Security breach sa Kalibo International Airport patuloy na iniimbistigahan ng CAAP Central Office

Posted February 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy parin ngayon ang ginagawang embistigasyon ng CAAP Central Office tungkol sa nangyaring security breach sa Kalibo International Airport nitong nakaraang linggo.

Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Kalibo manager Cynthia Aspera matapos nitong basagin ang kanyang katahimkan sa nangyaring insidente sa nasabing paliparan.

Nabatid na ito ay may kaugnay sa nangyaring paglusot ng isang babae na may problema sa pag-iisip mula sa Patnongon, Antique sa mga nagbabantay sa nasabing paliparan kung saan naka biyahe ito papuntang Incheon, South Korea na walang ticket at passport.

Dahil dito mas magiging maingat at mahigpit na umano sila sa kanilang gagawing seguridad sa mga pasahero ng domestic at international flights.

Igiinit naman ng CAAP officials na nabigo ang mga security personnel na e-check ang naturang babae habang nakasunod ito sa grupo ng mga pasahero.

Nabatid na agad pinabalik ng Korean airport authorities ang nasabing babae sa bansa matapos na madiskubrehan na wala itong official travel documents.

No comments:

Post a Comment