Pages

Thursday, February 05, 2015

Pagbabaha sa Ambulong Boracay, pinuna ni SB Bautista

Posted February 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

“Nakakahiya”.

Ito ang naging pananaw ni SB Member Floribar Bautista sa ilang taon ng problema ng bayan ng Malay sa patuloy na pagbaha sa kalsada ng Station 3 Boracay.

Sa SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni Baustista na sadyang nakakahiya ito dahil sa ngayon ay hindi parin ito nabibigyan ng solusyon.

Tinanong din nito kung sino ang namamahala sa proyektong ito na ngayon ay tila naging isang malaking problema sa isla ng Boracay.

Aniya, kailangan na itong mabigyan ng solusyon dahil mayroon naman umanong budget na puweding gamitin mula sa kinikitang environmental fee.

Samantala, sinabi naman ni Malay League President at Manoc-manoc Brgy. Captain Abram Sualog na maaaring sila nalang muna ang maglalaan ng pondo para dito para sa agarang pagpapaayos ng nasabing proyekto.

Isa naman sa nakikitang paraan ng SB Malay na matigil ang pagbaha sa naturang kalsada ay ang pag suction ang tubig baha.

Napag-alaman naman na walang drainage systems sa mismong binabahang kalsada dahilan para hindi humupa ang tubig baha.

Nabatid rin na kahit tila walang ulan ay nagkakaroon ng tubig sa nasabing kalsada na nagdudulot ng abala sa mga moturistang dumaraan.

Sa kabilang banda sisiyasatin din ng Sangguniang Bayan kung ito ngaba ay tubig ulan lamang o mayroong mga establisyemento na pinapadaloy at tubig sa naturang lugar.

No comments:

Post a Comment