Pages

Friday, February 06, 2015

DOLE Aklan, kinumpirmang may balak na pagtaas sa sahod ng mga empleyado sa Boracay

Posted February 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mababawasan na ang hirap ng mga empleyado sa pagba-budget sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan ang balak di umanong pagtaas ng sahod ng mga empleyado dito.

Ayon kay DOLE Aklan Officer-in-Charge Arlyn Siaotong, napag-usapan ito sa isang aktibidad ng Industry Tripartite Council nitong nakaraang buwan ng Enero.

Anya, bagamat hindi pa napag-uusapan kung kailan ipapatupad, sinabi nitong nasa plano na ito ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Samantala, inaasahan namang marami pang mga programa at plano ang DOLE Aklan upang matulungan ang mga empleyado sa probinsya.

Kaugnay nito ikinatuwa naman ng mga empleyado lalo na sa isla ng Boracay ang nasabing balita.

No comments:

Post a Comment