Pages

Friday, February 06, 2015

Barge na magkakarga ng heavy equipments sa Puka beach sa Barangay Yapak, inereklamo ng mga residente

Posted February 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Inereklamo ng mga residente sa Barangay Yapak ang isang barge na magkakarga ng heavy equipments sa Puka beach kahapon ng umaga.

Maliban sa mga residente, ipinagtaka rin ng mga turista sa lugar ang presensya ng nasabing barge.

Kaagad nakarating sa atensyon ng PCG o Philippine Coastguard Boracay Substation ang scenario kung kaya’t nauwi sa penalidad ang pagkakarga nito ng heavy equipments.

Nabatid sa report ng PCG Boracay na lumabag sa 1 Entry-1 Exit Policy o Provincial Ordinance No.05-032 ang barge na Kristine Marie na hinihila naman ng tug boat Betheva-II.

May anim na crew ang tug boat at 3 crew naman ang barge.

Ayon pa sa PCG Boracay, maaaring suma-side line ang nasabing barge sa pamamagitan ng pagkakarga ng kung ano, at patago ang operasyon.

Subali’t kaagad silang pinahinto ng PCG kahapon at ipinagkatiwala sa jetty port administration dahil sa kanilang paglabag sa provincial ordinance.

No comments:

Post a Comment