Pages

Tuesday, January 06, 2015

Stakeholders, masaya kahit naunsyami ang 2014 Tourist Arrival Target ng Boracay

Posted January 6, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Masaya parin ang mga stakeholders sa isla kahit naunsyami ang 2014 Tourist Arrival Target ng Boracay.

Ayon kay BFI o Boracay Foundation Inc. President Jony Salme, tumaas parin naman ang tourist arrival ng Boracay nitong taong 2014 sa kabila ng mga naranasang weather disturbance at bagyo, at maging ng travel ban ng China sa Pilipinas nitong nakaraang buwan ng Sityembre ng nakaraang taon.

Samantala, bagama’t taun-taong tumataas ang tourist arrival sa isla, iginiit naman ni Salme ang kaligtasan ng mga bumibiyaheng turista.

Dapat din umanong naaasikaso at naibibigay sa mga turista ang serbisyong inaasahan nila sa Boracay.

Kaugnay parin nito, sinabi pa ni Salme na may mga plano na ang BFI para lalong mapalago ang turismo ng Boracay ngayong taon sa tulong ng Aklan Provincial Government, Malay Municipal Tourism Office at Department of Tourism.

Magugunitang 1.5 milyong turista ang target ng Department of Tourism sa taong 2014, subali’t umabot lamang ito sa 1,472,352.

No comments:

Post a Comment