Pages

Tuesday, January 06, 2015

Mga kalahok sa Boracay Ati-Atihan 2015, pinulong ng MTour

Posted January 6, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinulong ngayong araw ng Malay Municipal Tourism Office (MTour) ang mga kalahok para sa Boracay Ati-Atihan 2015.

Alas dyes kaninang umaga nagsimula ang nasabing pagpupulong sa Boracay Action Center sa pangunguna mismo ni Malay Chief Operations Officer Felix Delos Santos.

Dito, inilatag ng MTour ang mga iskedyul ng aktibidad gayundin ang mga proposed activities magmula Enero 9-11, 2015.

Ilan sa mga pinag-usapang itatampok sa naturang selebrasyon ang parada, barangay council parishioners night, kabataan night, live dance, hip hop dance contests at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni MTour Officer Gian Kyle Tapian, na nasa mahigit 20 na ang mga nagpalista para sa Modern at Individual Category ng Boracay Ati-Atihan Festival.

Samantala, nabatid na sa ika-9 ng Enero gaganapin ang Judging ng Individual Category, habang sa ika-10 naman ng Enero ang Judging ng Tribal Category at sa ika-11 ng Enero ang magiging kapistahan.

Layunin naman ng MTour na ma-e-promote ang Boracay Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival bilang bahagi ng turismo sa bansa at maipakilala ang isa sa mga kulturang Pilipino.

No comments:

Post a Comment