Pages

Thursday, January 29, 2015

Security breach sa Kalibo International Airport, patuloy paring iniimbistigahan

Posted January 29, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad ang nangyaring security breach sa Kalibo International Airport nitong nakaraang linggo.

Ayon kay CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines Kalibo Manager Cynthia Aspera, nagtutulungan narin ngayon ang mga kapulisan at airline security sa airport upang hindi na maulit ang nangyari.

Lalo din umanong hinigpitan ang seguridad sa paliparan kung kaya’t umapela ito sa mga pasahero ng kooperasyon.

Samantala, kinumpirma din ni Aspera na nakabalik na sa kanyang pamilya ang babaeng pasahero na sinasabing sumakay ng eroplano ng Philippine Airline o PAL patungong South Korea na walang anumang travel documents.

Nabatid na pawang mga turista mula sa Boracay ang mga pasahero ng eroplanong direct flight PR490 mula Kalibo Airport patungong Incheon, South Korea.

Dahil dito, naging palaisipan sa mga otoridad kung papaanong nalusutan ng 30 anyos na babae ang security, immigration, at airport ground personnel sa entrance at boarding gates.

Samantala, nabatid na pinasakay din ng Korean immigration airport authorities sa eroplano ng PAL pabalik ang babae na Patnongon, Antique at sinasabing may problema sa pag-iisip.

No comments:

Post a Comment