Pages

Tuesday, January 13, 2015

Sangguniang Panlalawigan, umapela sa DENR ng agarang pag-classify ng tubig sa SOOC River sa Aklan

Posted January 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matapos maalarma ng Coliform contamination sa tubig.

Umapela ngayon ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng agarang pag-classify ng tubig sa Sooc River na malapit sa open dump site na makikita sa Bakhaw Sur Kalibo.

Ito’y dahil sa matindi na umanong polusyon na naidudulot nito sa mga residente sa lugar at kalapit barangay.

Kaugnay nito, matagal na ring nagpatupad ng closure order” ang DENR tungkol sa nasabing open dump site.

Sa pagpupulong ng mataas na konseho, ipinaliwanag naman ni Kalibo Save The Mangroves Association (KASAMA) Chairman Atty. Allen Quimpo na nakasaad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act ang pagbabawal na mag-operate pa ang isang dumpsite kapag nakakapekto na sa kalusugan ng mamamayan.

Nabatid na batay sa isinagawang pagsusuri ng DENR, napag-alamang highly pollutant na ang nasabing dumpsite, kung saan nakitaan ito ng coliform bacteria.

No comments:

Post a Comment