Pages

Tuesday, January 13, 2015

MS Costa Victoria, muling bumisita sa Boracay, mga turistang pasahero, nag-island tour

Posted January 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muling bumisita sa Boracay ang MS Costa Victoria.

Dumating ang nasabing barko pasado alas 11:00 kaninang tanghali.

Nabatid na natagalan bago nakababa ang mga pasahero nito dahil inuna munang pababain ang mga nais mag-island hopping at mag-island tour sa Boracay.

Ayon sa DOT o Department of Tourism Boracay Sub-Office, nasa 1, 500 ang mga pasaherong sakay ng barko.

Samantala, bakas sa mga turista ang kasiyahan na muli silang nakapasyal sa Boracay.

Ayon naman kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, wala namang gaanong ipinagbago sa kanilang paghahanda sa pagdating ng MS Costa Victoria dahil ito na ang ikatlong beses na bumisita ito sa Boracay.

No comments:

Post a Comment