Pages

Sunday, January 18, 2015

P40.7 bilyong piso, kinita ng probinsya ng Aklan sa turismo nitong 2014

Posted January 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa 40. 705 bilyong piso ang kinita ng probinysa ng Aklan sa turismo nitong nakaraang taong 2014.

Ito ang datus na ibinagay ng Department of Tourism (DOT) Region VI, kung saan naging malaking bahagi umano rito ang pagdami ng mga turista sa Boracay.

Maliban dito, nakasaad din base sa ipinadalang report ng DOT na kaakibat ng pagyabong ng turismo sa probinsya ang pagsidatingan ng mga world class na cruise ship na dumaong sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, umapela ang nasabing ahensya ng suporta o kooperasyon magmula sa iba’t-ibang mga sector para mas mabigyan pa ng maayos na serbisyo ang mga bumibisita dito.

Nabatid na dahil sa maunlad na turismo sa Aklan ay itinuturing ngayon ang probinsya bilang isa sa mga tinaguriang “billionaire province” sa bansa.

Malaki din umano ang naging tulong nito sa paglago ng ekonomiya sa Pilipinas.

Samantala, nabatid na sinabi ng Aklan Provincial Tourism Office na nasa 1.7 na tourist arrival ngayon ang kanilang target na maabot.

No comments:

Post a Comment