Pages

Sunday, January 18, 2015

Ati-Atihan sa Kalibo, tuloy parin sa kabila ng bagyong Amang

Posted January 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masaya paring ipinagdiriwang sa bayan ng Kalibo ang Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015 sa kabila ng nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyong Amang.

Katunayan halos hindi mahulugang karayom ang mga tao sa Kalibo para saksihan ang parada ng 28 Tribong kasali sa Ati-Atihan Tribal contest.

Bagamat nakakaranas ng pag-aambon sa nasabing lugar hindi parin nag-paawat dito ang mga manunuod lalo na ang mga balik bayan at foreign tourist na enjoy sa street dancing at pagpapa-litrato.

Sa kabilang banda kaliwat-kanan naman ang mga nagbibinta ng ibat-ibang produkto at souvenir items sa mga pangunahing lugar sa Kalibo kung saan dagsa rin ang mga mamimili dito.

Nabatid na isinailim sa signal number 1 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang lalawigan ng Aklan kaninang umaga dulot ng bagyong Amang.

Samantala, inaasahang dadagsain din bukas ng umaga ang misa sa Kalibo Cathedral ng mga deboto ni Senior Santo. Niño kasabay ng pag-bendisyon sa mga imahe ni Santo Niño.

No comments:

Post a Comment