Pages

Tuesday, January 27, 2015

MS Europa 2 muling dadaong sa Boracay ngayong araw

Posted January 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang masisilayan ngayong araw sa karagatan ng isla ng Boracay ang cruiseship na MS Europa 2.

Sakay nito ang mahigit kumulang 400 na mga turista mula sa ibat-ibang bansa kasama na 370 na crew.

Inaasahang dadaong ito sa karagatan ng Boracay ngayong alas-8 ng umaga mula sa isla ng Palawan at magtatagal naman hanggang mamayang alas-2 ng hapon.

Dahil sa may kalayuan ang naturang barko sa mismong docking area ng Cagban, isasakay naman ang mga turista ng naturang barko sa tender boat papuntang Jetty port para sa kanilang tour sa Boracay.

Sasalubungin naman ang mga ito ng Caticlan Jetty Port Administration, Department of Tourism (DOT), Local Government Unit ng Malay at Aklan Provincial Government.

Nabatid na sa kanilang pag-tour sa Boracay ay pupuntahan ng mga ito ang beach area, D-mall at ilang souvenirs at restaurant sa isla.

Samantala, katuwang naman ng Boracay PNP Station sa pagpapaigting ng seguridad para dito ay ang Philippine Coastguard, Maritime Police, Philippine Army at Municipal Auxiliary Police (MAP).

No comments:

Post a Comment