Pages

Tuesday, January 27, 2015

5 mag-aaral ng BNHS Manoc-Manoc Extension, sasabak sa Western Visayas regional meet

Posted January 26, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sasabak ang nasa limang mag-aaral mula sa Boracay National High School (BNHS) Manoc-Manoc Extension sa darating na Western Visayas regional meet.

Ayon kay BNHS Manoc-Manoc Extension School Head Victor Supetran, isa rito ang player para sa secondary baseball, isa rin sa secondary basketball boys at tatlong players para sa secondary softball.

Anya, sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang preparasyon ng mga estudyanteng atleta kasama ang iba pang mga players sa Aklan na magiging pambato ng probinsya sa 2015 Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet.

Samantala, tema ng WVRAA 2015 ang “Sports: Paving the way towards peaceful and delightful schools,” kung saan gaganapin ngayong taon sa probinsya ng Aklan sa darating na ika- 8 hanggang ika-13 ng Pebrero.

Kaugnay nito, nabatid na handa na ang pamahalaang probinsyal sa pagdating ng nasa tatlong libong mga atleta sa elementary and secondary divisions mula sa anim na provincial delegations.

Ang mga mananalo naman sa nasabing kompetisyon ay ang magiging pambato ng rehiyon sa palarong pambansa na gaganapin sa Tagum City, Davao del Norte, Mindanao.

No comments:

Post a Comment