Pages

Thursday, January 01, 2015

Boracay PNP, iniimbistigahan ang panibagong kaso ng pamamaril sa isang Koreano sa isla

Posted December 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy na iniimbistigahan ng Boracay PNP ang panibagong kaso ng pamamaril sa isang Koreano sa isla.

Nangyari ang insidente kahapon ng madaling araw sa Sitio Ambolong Manoc-manoc, Boracay sa tinutuluyang apartment ng Koreanong si Jongchul Park, 48 anyos, may-ari ng White House Korean Restaurant dito.

Ayon sa report, mag-isa sa kanyang apartment at umiinom ng beer si Park nang makarinig umano ito ng kumakahol na aso sa labas.

Nang tingnan, isang hindi nakilalang tao na tumututok sa kanya ng baril ang tumambad sa kanya, kung kaya’t kaagad umano niyang isinara ang pinto at nagtago sa kuwarto.

Subali’t doon na rin umano siya nakarinig ng putok ng hindi nalamang kailibre ng baril.

Sa pagresponde at pag-iimbistiga ng mga pulis,nalamang may sira ang ilan niyang gamit na pinaniniwalaang dahil sa tama ng bala.

Katunayan, isang basyo ng bala ang narekober ng mga kapulisan mula sa kanyang computer CPU.

Samantala, blangko parin ngayon ang Boracay PNP sa motibo ng nasabing pamamaril.

Magugunitang nitong nakaraang buwan lamang nang binaril ang isang Korean Spa manager sa isla ng hindi pa nakikilalang suspek.

No comments:

Post a Comment