Pages

Thursday, January 01, 2015

BFP Boracay, nagbabala sa publiko kontra paggamit ng paputok

Posted December 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko laban sa pagpapaputok, lalo na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok.

Sinabi ni Bureau of Fire Boracay Chief-Insp. Stephen Jardeleza na maaaring ikonsiderang ligtas gamitin ang mga paputok, kung ito ay mayroon lamang one-third ng kutsara na dami ng pulbura.

Lubhang mapanganib aniya ang mga imported na paputok, dahil maaring hindi ito pumasa sa safety standards ng bansa.

Pinaalalahanan din ng mga otoridad ang publiko hinggil sa mga bagong paputok na kasama sa mga ipinagbabawal na paputok.

Samantala, napag-alaman sa monitoring na mas marami nang Pilipino ang maingat at namimili ng mga paputok na mas ligtas.

No comments:

Post a Comment