Pages

Thursday, December 18, 2014

Pumping station ng TIEZA, hindi parin gumagana

Posted December 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hindi parin gumagana ang pumping station ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni BIWC o Boracay Water Customer Service Officer Acs Aldaba na hindi parin sumasailalim sa commissioning o testing ang nasabing pumping station.

Hinihintay parin umano kasi ng TIEZA ang pahintulot ng LGU Malay para sa dry-run ng proyekto.

Kaugnay parin nito, pinasisiguro naman nila sa LGU ang kanilang kahilingan na dapat matanggal na ang mga illegal connections sa existing drainage system.

Samantala, dismayado naman ang mga turista at residente kagabi dahil binaha na naman ang ilang lugar sa Barangay Balabag matapos bumuhos ang malakas na ulan.

Magugunitang sinabi ng TIEZA na ang pumping station ang magiging solusyon sa nararanasang pagbaha sa mga sakop ng phase one ng proyekto.

2 comments: