Pages

Friday, December 19, 2014

Ati-Atihan 2015 sa Boracay, pinaghahandaan na ng LGU Malay

Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng LGU Malay ang Boracay Ati-atihan 2015.

Kaugnay nito, nagpulong kaninang umaga ang lokal na pamahalaan upang pag-usapan ang magiging mga paghahanda sa nasabing aktibidad.

Sa pangunguna ni Malay Tourism Chief Operations Officer Felix Delos Santos, inilatag ang mga proposed activities magmula Enero 9-11, 2015.

Ilan sa mga pinag-usapang itatampok sa naturang selebrasyon ang parada, barangay council parishioners night, kabataan night, live dance, hip hop dance contests at iba pa.

Sa kabila nito, umani naman ng ilang suhetsyon ang nasabing pagpupulong, kung saan ilan sa mga napag-usapan ay ang alisin na ang mga cash prizes at sa halip ay tropeyo na lamang umano ang matatanggap ng mga mananalo.

Sa pamamagitan umano nito, maiaangat ang tunay na diwa ng Ati-Atihan Festival.

Samantala, muli namang magsasagawa ng pagpupulong ang LGU Malay hinggil sa nasabing okasyon.

No comments:

Post a Comment