Pages

Tuesday, December 02, 2014

Preparasyon ng KASAFI para sa Ati-Atihan Festival 2015, nasa 70% na

Posted December 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masayang ibinahagi ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation, Inc. (KASAFI) na nasa 70 porsyento  na ang kanilang paghahanda para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015.

Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, handa na rin sila ngayon para sa iba’t-ibang aktibidad katulad ng “Mutya it Aklan”, Higante Parade, body painting contest at maging ang pagtatanghal ng ilang sikat na artista sa bansa.

Samantala, magkakaroon pa umano ng mga pagpupulong para sa alokasyon ng budget ng mga sasaling tribo sa street dance competition sa darating na buwan ng Enero.

Tiniyak naman ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation Inc. na magiging maganda ang gaganaping 2015 Ati-Atihan Festival.

Ang Sto. Niño Ati-Atihan sa Aklan ay gaganapin sa January 9 to 18, 2015.

No comments:

Post a Comment