Posted December 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inilabas na ng MTour o Municipal Tourism Office ang
eskedyul ng mga aktibidad para sa Boracay Ati-atihan 2015.
Una rito, makikipagpulong muna bukas ang Malay
Tourism Office sa Barangay Balabag Council upang pag-usapan ang mga plano at
schedule of activities sa nasabing pagdiriwang.
Kasunod naman nito ang Presentation of Ati-atihan
to Participating Groups and Sponsors sa darating na December 15.
Bago lubusang mag-ingay ang mga tambol sa high
light ng selebrasyon sa ika-11 ng Enero, mag-i-enjoy muna sa ika-9 ng Enero ang
mga taga barangay council, parishioners, association, cooperatives, establishments
owners and employees night sa Balabag plaza.
Pagkatapos nito, hahataw naman ang mga kabataan
para Kabataan’s Night sa January 10.
Samantala, halos plantsado na rin ang inilabas na
schedule of activities para sa mismong araw ng Boracay Ati-atihan.
Nabatid na gaya ng nakagawian, isang fluvial parade
ang masasaksihan sa long beach ng Boracay, bandang alas 6:00-7:00 ng umaga.
Susundan ito ng misa sa alas 8:00-9:30 ng umaga sa
Balabag Plaza, at street dancing para sa mga deboto ni Sr.Sto.NiƱo.
Magtatapos naman ang selebrasyon sa isang prosesyon
sa alas 6:00 ng gabi at awarding night.
Nabatid na mauunang magdiwang ng Ati-atihan ang
Boracay kaysa sa bayan ng Kalibo sa darating na buwan ng Enero.
No comments:
Post a Comment