Pages

Thursday, December 18, 2014

Ordinansang nagbabawal sa paglagay ng basement ng mga establisyemento sa Boracay, pag-uusapan sa SP Aklan

Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang pag-usapan sa isang SP Committee Hearing ang ordinansa mula sa bayan ng Malay na nagbabawal sa paglagay ng basement ng mga establisyemento sa isla.

Sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan (SP) Session, muling pinag-usapan ang Malay Ordinance No. 339 na ini-akda ni SB Member Rowen Aguirre.

Nabatid na unang ipinaliwanag sa SB Malay na ang nasabing basement ay nagdudulot umano ng pagbaha sa tuwing malakas ang buhos ng ulan, kung saan pinapasok ito ng tubig at saka naman pinu-pump papuntang drainage system na siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig.

Ayon naman kay Committee Chairman on Laws, Rules and Ordinances SB Member Rowen Aguirre, kailangan na itong ipagbawal sa halip na e-regulate.

Samantala, napag-alaman na matagal na din umano itong napag-usapan sa departemento ng Zoning at Engineering Office ng Malay kung saan ipinagbabawal na din nila ang mga gumagawa ng construction ng basement sa Boracay dahil sa ilang talampakan lang ang huhukayin ay may lumalabas na agad na tubig.

No comments:

Post a Comment