Pages

Thursday, December 18, 2014

Dahil sa malakas na pagpapatugtog, ginang at anak sa Boracay inireklamo sa BTAC

Posted December 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inireklamo ng paglabag sa Municipal Ordinance No. 144 Series of 2001 o declaring Boracay as Noise Free Zone ang isang ginanng at anak nito sa isla.

Ito’y dahil sa pagpapatugtog di umano ng malakas kahit na ito’y pinagsabihan na.

Sumbong ng nagrereklamong si “Encarnacion”, 51 anyos sa BTAC, dakong alas onse kagabi nang pagsabihan nya si “Vevencia” na umano’y hinaan ang sound/music na pinapatugtog ng kanyang anak na si “ping-ping”.

Subalit, hindi umano ito pinansin at sa halip ay nilakasan pa ang pagpapatugtog sa nasabing lugar.

Dahil dito, nadismaya ang nagrereklamo at tumungo sa BTAC saka ipina-blotter ang nasabing pangyayari.

Ini-refer naman ngayon ang nasabing kaso sa Brgy. Justice System ng manoc-Manoc Boracay.

No comments:

Post a Comment