Pages

Tuesday, December 02, 2014

Ibat-ibang organisasyon sa Boracay nagsama-sama sa World Aids Day Celebration

Posted December 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa lamang ang isla ng Boracay sa buong mundo na nagkaroon ng malawakang selebrasyon ng World Aids Day kahapon.
Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa mga taong nagtataglay ng Human Immunodeficiency virus (HIV) Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Katunayan isang Aids Walk ang kanilang isinagawa kahapon na pinangunahan ng Municipal Health Center (MHO), Boracay Action Group, Philippine Red Cross at Boracay PNP kasama rin ang ibat-ibang organisasyon sa isla.

Nagkaroon din ang mga ito ng candle lighting activity kagabi kasabay ng ginawang parada mula sa beach front station 3 hanggang sa station 2 na sinundan naman ng maikling programa o awareness campaign.

Dahil sa patuloy na paglaganap ng HIV/AIDS sa bansa nagsagawa rin ang MHO ng free-consultation kahapon para sa mga taong nais malaman kung sila ay nagtatalagay ng AIDS kasama na ang mga turista sa isla.

Samantala, ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Disyembre sa ibat-ibang panig ng mundo  ang World Aids Day upang magkaisa ang lahat na labanan ang nakakamatay na HIV.

No comments:

Post a Comment