Pages

Tuesday, December 02, 2014

Dalawang minor de edad sa Boracay, ipinagkatiwala sa DSWD matapos mahuling magnakaw

Posted December 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay             

Buwan na ngayon ng Disyembre kung saan inaasahan na ang mga batang nagka-caroling sa lansangan.

Subali’t sa kaso ng dalawang batang ipinagkatiwala sa DSWD ngayong umaga, hindi caroling kungdi pagnanakaw umano ang kanilang pinili.

Base sa impormasyon, nahuli ng may-ari ng isang tindahan sa Barangay Manoc-manoc ang dalawang lalaking minor de edad na kumuha ng kanilang pera.

Bagama’t kinumpirma ng Boracay PNP na walang perang narekober sa mga bata, duda naman ang mga ito na ipinagpasa-pasahan na nila ang nakuhang pera na humigit-kumulang isang libong piso.

Samantala, nag-aalala naman ang mga kapulisan sa mga nasabing bata dahil sa isa na naman umano itong grupo na nanloloob sa mga establisemyento at target ang mga tindahan.

Nabatid na sangkot madalas ang mga minor de edad sa mga nangyayaring nakawan sa isla.

No comments:

Post a Comment