Pages

Monday, December 08, 2014

Bilang ng mga na-stranded na pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port umabot sa 98

Posted December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Umabot sa siyamnaput walo ang bilang ng mga na-stranded na pasahero sa Caticlan at Cagban Jetty Port dahil kay bagyong Ruby.

Ito ang naitala ng Jetty Port Administration base sa kanilang isinagawang headcount simula kanina alas-7 ng umaga.

Ayon naman kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, ito ay kinabibilangan ng local at foreign tourist na inabutan ng kasagsagan ng bagyong Ruby sa probinsya.

May kabuuang bilang na 27 mga pasahero ang na-stranded sa Caticlan na papuntang isla ng Boracay habang 32 naman sa Cagban na patawid ng mainland Malay at 39 na pasahero ng  roro vessel.

Sinabi pa ni Pontero na tuloy-tuloy naman ang kanilang ibinigay na ayuda sa mga nasabing pasahero kung saan binigyan nila ito ng mga pagkain katulad ng noodles, biscuit kasama na ng maiinum na tubig.

Sa ngayon inaantay nalang ng Jetty Port Administration kung tuluyan ng maaalis ang storm signal number 2 sa Aklan bago nila e-resume ang biyahe ng mga bangka sa Caticlan at Cagban Vice versa.

No comments:

Post a Comment