Pages

Tuesday, December 09, 2014

100% na naayos ang mga linya ng kuryente sa Aklan matapos dumaan ang bagyong Ruby - AKELCO

Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Walang major damages sa linya ng kuryente sa Aklan.

Ito  sinabi ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) kaugnay ng pananalasa ng bagyong Ruby sa probinsya.

Gayunpaman, ayon kay Arvin Ibesate ng AKELCO, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga linya ng kuryente upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Anya, base sa kanilang report, ilan lamang sa mga naging problema na kanilang natanggap ay ang mga kable ng kuryente na nadaganan ng mga sanga ng punong kahoy o di kaya’y may ilan namang nag-leak.

Subalit, nabigyan na rin umano ang mga ito ng solusyon ng kanilang tanggapan.

Samantala, pinasiguro din ng AKELCO na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang problema na maaaring idulog sa kanila at agad din itong bibigyan ng aksyon.

No comments:

Post a Comment