Pages

Friday, November 21, 2014

Sewage Treatment Plant ng BIWC, muling napag-usapan sa BRTF

Posted November 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sa ipinatawag na pagpupulong kahapon ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa kanilang tanggapan.

Muling tinalakay ang pagkakaroon ng Sewage Treatment Plant (STP) ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa Barangay Manoc-Manoc Boracay.

Dito, muling nilinaw at tiniyak ng BIWC na sinusunod nila ang pinakamataas na pamantayan ng DENR kasama na ang pagkuha ng lahat ng permit lalo na ng Environmental Compliance Certificate.

Samantala, nabatid na patuloy na sa ngayong umuusad ang Sewer Network Project ng BIWC na nagkakahalaga ng P298 million, kung saan inaasahang matatapos sa loob ng tatlong taon.

Matatandaan naman na nag-umpisa ang operasyon ng contractor na Anden Construction sa Sitio Tulubhan at Sitio Bantud at kasalukuyang nasa 10% pa lamang ang nalatagan ng linya sa kabuuang area ng Barangay Manoc-manoc.

Layunin umano ng proyekto na ang lahat ng maruming tubig mula sa mga kabahayan at establisyemento ng nasabing barangay ay direktang mapupunta sa STP para sa gagawing treatment bago ito ibalik sa dagat.

Ang STP ay isang mahalagang pasilidad para mapangalagaan ang kapaligiran lalo na sa pagdami ng mga naninirahan sa isla at lumulubong dami ng turista na nagbabakasyon taun-taon.

No comments:

Post a Comment